Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 11:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At sinabi niya kay Jeroboam:

      “Kumuha ka para sa iyo ng sampung piraso; sapagkat ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Narito, pupunitin ko ang kaharian mula sa kamay ni Solomon, at bibigyan nga kita ng sampung tribo.+

  • 1 Hari 12:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At nangyari, nang marinig iyon ni Jeroboam+ na anak ni Nebat habang naroroon pa siya sa Ehipto (sapagkat tumakas siya dahil kay Haring Solomon, upang si Jeroboam ay makapanahanan sa Ehipto),+

  • 1 Hari 12:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At si Jeroboam ay nagdaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan sa ikalabinlimang araw ng buwan, tulad ng kapistahang nasa Juda,+ upang makapaghandog siya sa ibabaw ng altar na kaniyang ginawa sa Bethel, upang maghain sa mga guya na kaniyang ginawa; at inilagay niya sa paglilingkod sa Bethel+ ang mga saserdote ng matataas na dako na kaniyang ginawa.

  • 1 Hari 14:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 sa dahilang iyan, narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa sambahayan ni Jeroboam, at lilipulin ko nga mula kay Jeroboam ang sinumang umiihi sa pader,+ ang mahina at walang-kabuluhan sa Israel;+ at lubos kong papalisin ang sambahayan ni Jeroboam,+ kung paanong inaalis ng isa ang dumi hanggang sa ito ay maitapon.+

  • 2 Cronica 11:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan+ at ang kanilang pag-aari+ at pagkatapos ay pumaroon sa Juda at Jerusalem,+ sa dahilang pinaalis+ sila ni Jeroboam+ at ng kaniyang mga anak mula sa paglilingkod bilang mga saserdote kay Jehova.

  • 2 Cronica 13:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kaya si Abias ay nakipagdigma taglay ang isang hukbong militar na apat na raang libong makapangyarihang lalaking mandirigma,+ mga piling lalaki. At si Jeroboam ay humanay sa pagbabaka laban sa kaniya taglay ang walong daang libong piling lalaki, magigiting at makapangyarihang mga lalaki.+

  • 2 Cronica 13:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At si Jeroboam ay hindi na muling nagkaroon ng kapangyarihan+ nang mga araw ni Abias; ngunit sinaktan siya ni Jehova,+ kung kaya siya ay namatay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share