Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi, doon sa mga napopoot sa akin;+

  • Exodo 23:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Huwag mong yuyukuran ang kanilang mga diyos o maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon, at huwag kang gagawa ng anumang tulad ng kanilang mga gawa,+ kundi walang pagsalang ibabagsak mo ang mga iyon at walang pagsalang gigibain mo ang kanilang mga sagradong haligi.+

  • Exodo 34:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat hindi ka dapat magpatirapa sa ibang diyos,+ dahil si Jehova, na ang pangalan ay Mapanibughuin, siya ay isang mapanibughuing Diyos;+

  • Deuteronomio 4:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kung ikaw ay magkaanak at magkaapo at kayo ay makapanirahan nang matagal sa lupain at gumawi nang kapaha-pahamak+ at gumawa ng isang inukit na imahen,+ na anyo ng anumang bagay, at gumawa nga ng masama sa paningin ni Jehova na iyong Diyos+ upang galitin siya,

  • Deuteronomio 5:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon o maakay ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ na naglalapat ng kaparusahan sa mga anak at sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi dahil sa kamalian ng mga ama, doon sa mga napopoot sa akin;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share