Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 37:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 Dahil dito ay hinapak ni Jacob ang kaniyang mga balabal at naglagay ng telang-sako sa kaniyang mga balakang at nagdalamhati sa kaniyang anak nang maraming araw.+

  • 1 Hari 21:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At nangyari, nang marinig ni Ahab ang mga salitang ito, hinapak niya ang kaniyang mga kasuutan at nagsuot ng telang-sako+ sa kaniyang laman; at nag-ayuno siya at laging nakahiga na may suot na telang-sako at naglalakad nang may kalumbayan.+

  • 2 Hari 6:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng babae, kaagad niyang hinapak+ ang kaniyang mga kasuutan; at nang dumaraan siya sa ibabaw ng pader ay nakita ng bayan, at, narito! siya ay may telang-sako na panloob sa kaniyang laman.

  • Esther 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At nalaman ni Mardokeo+ ang lahat ng ginawa;+ at hinapak ni Mardokeo ang kaniyang mga kasuutan at nagsuot ng telang-sako+ at naglagay ng abo+ at lumabas sa gitna ng lunsod at sumigaw ng isang malakas at mapait na hiyaw.+

  • Awit 35:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kung tungkol sa akin, nang magkasakit sila, ang pananamit ko ay telang-sako,+

      Pinighati ko ng pag-aayuno ang aking kaluluwa,+

      At sa aking dibdib ay bumabalik ang sarili kong panalangin.+

  • Isaias 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “At ang Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay tatawag sa araw na iyon ukol sa pagtangis+ at ukol sa pagdadalamhati at ukol sa pagkakalbo at ukol sa pagbibigkis ng telang-sako.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share