-
Jeremias 37:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Kaya nag-utos si Haring Zedekias, at sa gayon ay inilagay nila si Jeremias sa pag-iingat sa Looban ng Bantay;+ at binibigyan siya ng isang bilog na tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga magtitinapay,+ hanggang sa maubos ang lahat ng tinapay sa lunsod.+ At si Jeremias ay patuloy na nanahanan sa Looban ng Bantay.+
-
-
Ezekiel 5:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ang isang katlo sa iyo—sa salot ay mamamatay sila,+ at sa taggutom ay sasapit sila sa kanilang kawakasan sa gitna mo.+ At ang isa pang katlo—sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sila sa buong palibot mo. At ang huling katlo ay pangangalatin ko sa bawat hangin,+ at huhugutin ko ang isang tabak upang sundan sila nito.+
-
-
Ezekiel 14:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 “Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Magiging gayundin kapag dumating ang aking apat na mapaminsalang kahatulan+—tabak at taggutom at mapaminsalang mabangis na hayop at salot+—na pasasapitin ko nga sa Jerusalem upang lipulin mula roon ang makalupang tao at ang alagang hayop.+
-