Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 At kayo ay pangangalatin ko sa gitna ng mga bansa,+ at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo;+ at ang inyong lupain ay magiging tiwangwang,+ at ang inyong mga lunsod ay magiging tiwangwang na kaguhuan.

  • Deuteronomio 4:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 kinukuha ko bilang mga saksi laban sa inyo ngayon ang langit at ang lupa,+ na kayo ay talagang malilipol nang madali mula sa lupain na tatawirin ninyo sa Jordan upang ariin. Hindi ninyo mapahahaba ang inyong mga araw roon, sapagkat kayo ay talagang malilipol.+

  • Deuteronomio 28:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Ikaw+ at ang iyong hari+ na ilalagay mo upang mamahala sa iyo ay dadalhin ni Jehova sa isang bansa na hindi mo kilala, ikaw man ni ang iyong mga ninuno; at doon ay maglilingkod ka sa ibang mga diyos, na kahoy at bato.+

  • Deuteronomio 28:64
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 64 “At tiyak na pangangalatin ka ni Jehova sa lahat ng mga bayan mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa,+ at doon ay maglilingkod ka sa ibang mga diyos, kahoy at bato, na hindi mo kilala, ikaw man ni ang iyong mga ninuno.+

  • 2 Hari 23:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ngunit sinabi ni Jehova: “Ang Juda+ ay aalisin ko rin mula sa aking paningin,+ kung paanong inalis ko ang Israel;+ at itatakwil ko nga ang lunsod na ito na aking pinili, maging ang Jerusalem, at ang bahay na tungkol dito ay sinabi ko, ‘Ang aking pangalan ay mananatili roon.’ ”+

  • Jeremias 24:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 ibibigay ko rin sila ukol sa pangangatal, ukol sa kapahamakan, sa lahat ng mga kaharian sa lupa,+ ukol sa kadustaan at ukol sa isang kasabihan, ukol sa kakutyaan+ at ukol sa sumpa,+ sa lahat ng dako kung saan ko sila ipananabog.+

  • Jeremias 25:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang buong lupaing ito ay magiging isang wasak na dako, isang bagay na panggigilalasan, at ang mga bansang ito ay kailangang maglingkod sa hari ng Babilonya nang pitumpung taon.” ’+

  • Ezekiel 12:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 ‘ “Sapagkat ako mismong si Jehova ang magsasalita ng anumang salita na sasalitain ko, at iyon ay matutupad.+ Wala nang pagpapaliban pa,+ sapagkat sa inyong mga araw,+ O mapaghimagsik na sambahayan, ay sasalitain ko ang salita at tiyak na tutuparin ko iyon,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.’ ”

  • Ezekiel 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ako mismong si Jehova ang nagsalita.+ Iyon ay darating,+ at kikilos ako. Hindi ako magpapabaya,+ ni maaawa+ man ako o malulungkot.+ Ayon sa iyong mga lakad at ayon sa iyong mga pakikitungo ay tiyak na hahatulan ka nila,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share