9 Nang dakong huli ay sinabi sa hari ni Abisai na anak ni Zeruias:+ “Bakit isinusumpa ng patay na asong+ ito ang panginoon kong hari?+ Pakisuyo, hayaan mong pumaroon ako at tagpasin ang kaniyang ulo.”+
6 Nang magkagayon ay sinabi ni David kay Abisai:+ “Si Sheba+ nga na anak ni Bicri ay magiging mas masama pa para sa atin kaysa kay Absalom.+ Kunin mo ang mga lingkod+ ng iyong panginoon at habulin mo siya, upang hindi nga siya makasumpong ng mga nakukutaang lunsod at makatakas sa ating paningin.”
17 Kaagad na sumaklolo+ si Abisai+ na anak ni Zeruias at pinabagsak ang Filisteo at pinatay ito. Sa pagkakataong iyon ay sumumpa ang mga tauhan ni David sa kaniya, na nagsasabi: “Huwag ka nang lumabas na kasama namin sa pagbabaka,+ upang hindi mo mapatay+ ang lampara+ ng Israel!”
18 Kung tungkol kay Abisai+ na kapatid ni Joab na anak ni Zeruias,+ siya ang ulo ng tatlumpu, at iwinawasiwas niya ang kaniyang sibat sa tatlong daang napatay, at siya ay may reputasyon na gaya ng sa tatlo.+