23 At kinuha ni Aaron si Elisheba, na anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Nason,+ bilang kaniyang asawa. Nang maglaon ay ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abihu, si Eleazar at si Itamar.+
24At kay Moises ay sinabi niya: “Umahon ka kay Jehova, ikaw at si Aaron, si Nadab at si Abihu+ at ang pitumpu+ sa matatandang lalaki ng Israel, at yumukod kayo mula sa malayo.
10Nang maglaon ay kinuha at dinala ng mga anak ni Aaron na sina Nadab at Abihu+ ang kani-kaniyang lalagyan ng apoy+ at nilagyan nila ng apoy ang mga iyon at nilagyan nila iyon ng insenso,+ at nagsimula silang maghandog sa harap ni Jehova ng kakaibang apoy,+ na hindi niya iniutos sa kanila.