Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At si Jonatan,+ na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay ang mga paa.+ Limang taóng gulang siya nang dumating mula sa Jezreel+ ang ulat tungkol kay Saul at kay Jonatan; at binuhat siya ng kaniyang yaya at tumakas, ngunit nangyari nga nang tumatakbo ito sa takot upang tumakas, siya ay nahulog at napilay. At ang pangalan niya ay Mepiboset.+

  • 2 Samuel 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang si Mepiboset na anak ni Jonatan na anak ni Saul ay pumaroon kay David, kaagad niyang isinubsob ang kaniyang mukha at nagpatirapa.+ Nang magkagayon ay sinabi ni David: “Mepiboset!” at sinabi niya: “Narito ang iyong lingkod.”

  • 2 Samuel 19:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kung tungkol kay Mepiboset+ na apo ni Saul, lumusong siya upang salubungin ang hari; at hindi niya inasikaso ang kaniyang mga paa+ ni inasikaso man niya ang kaniyang bigote+ ni nilabhan man niya ang kaniyang mga kasuutan mula nang araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siyang payapa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share