Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 6:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 At kinuha ni Eleazar, na anak ni Aaron,+ para sa kaniyang sarili ang isa sa mga anak na babae ni Putiel bilang kaniyang asawa. Nang maglaon ay ipinanganak nito sa kaniya si Pinehas.+

      Ito ang mga ulo ng mga ama ng mga Levita, ayon sa kanilang mga pamilya.+

  • Levitico 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Pagkatapos ay sinabi ni Moises kay Aaron at kina Eleazar at Itamar na iba pa niyang mga anak: “Huwag ninyong pabayaang hindi nakaayos ang inyong mga ulo,+ at huwag ninyong pupunitin ang inyong mga kasuutan, upang hindi kayo mamatay at upang hindi siya magalit laban sa buong kapulungan;+ kundi ang inyong mga kapatid sa buong sambahayan ng Israel ang tatangis dahil sa pagsunog, na pinaliyab ni Jehova.

  • Bilang 3:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At ang pinuno ng mga pinuno ng mga Levita ay si Eleazar+ na anak ni Aaron na saserdote, na nangangasiwa sa mga nag-aasikaso ng katungkulan sa dakong banal.

  • Josue 14:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ito ang kinuha ng mga anak ni Israel bilang minanang pag-aari sa lupain ng Canaan,+ na pinangyari ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng mga ama ng mga tribo ng mga anak ni Israel na manahin+ nila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share