-
2 Samuel 4:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 At si Jonatan,+ na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay ang mga paa.+ Limang taóng gulang siya nang dumating mula sa Jezreel+ ang ulat tungkol kay Saul at kay Jonatan; at binuhat siya ng kaniyang yaya at tumakas, ngunit nangyari nga nang tumatakbo ito sa takot upang tumakas, siya ay nahulog at napilay. At ang pangalan niya ay Mepiboset.+
-
-
2 Samuel 19:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Kung tungkol kay Mepiboset+ na apo ni Saul, lumusong siya upang salubungin ang hari; at hindi niya inasikaso ang kaniyang mga paa+ ni inasikaso man niya ang kaniyang bigote+ ni nilabhan man niya ang kaniyang mga kasuutan mula nang araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siyang payapa.
-