8 At sinabi pa nila: “Alin sa mga tribo ng Israel ang hindi umahon kay Jehova sa Mizpa?”+ At, narito! walang sinumang pumasok sa kampo mula sa Jabes-gilead+ tungo sa kongregasyon.
11At si Nahas na Ammonita+ ay umahon at nagkampo laban sa Jabes+ sa Gilead. Dahil dito ay sinabi ng lahat ng mga lalaki ng Jabes kay Nahas: “Makipagtipan ka sa amin upang maglingkod kami sa iyo.”+
12 Kaagad na tumindig ang lahat ng magigiting na lalaki at yumaon nang buong gabi at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak mula sa pader ng Bet-san at pumaroon sa Jabes at sinunog doon ang mga iyon.+