17 At binigyan iyon ng mga kapitbahay+ na babae ng pangalan, na sinasabi: “Isang anak na lalaki ang isinilang kay Noemi.” At tinawag nilang Obed+ ang kaniyang pangalan. Siya ang ama ni Jesse,+ na ama ni David.
14 At ngayon ay hindi mamamalagi ang iyong kaharian.+ Tiyak na hahanap si Jehova para sa kaniya ng isang lalaking kalugud-lugod sa kaniyang puso;+ at aatasan siya ni Jehova na maging isang lider+ sa kaniyang bayan, sapagkat hindi mo tinupad ang iniutos sa iyo ni Jehova.”+
28 Dahil dito ay sinabi ni Samuel sa kaniya: “Pinunit ni Jehova+ mula sa iyo ngayon ang maharlikang pamamahala sa Israel, at ibibigay nga niya iyon sa iyong kapuwa na mas mabuti kaysa sa iyo.+
3 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki+ ng Israel ay pumaroon sa hari sa Hebron, at si Haring David ay nakipagtipan+ sa kanila sa Hebron sa harap ni Jehova; pagkatapos nito ay pinahiran+ nila si David bilang hari sa Israel.+