6Noong taóng mamatay si Haring Uzias+ ay nakita ko naman si Jehova,+ na nakaupo sa isang trono+ na matayog at nakataas, at pinupuno ng kaniyang laylayan ang templo.+
26 At sa ibabaw ng kalawakan na nasa itaas ng kanilang ulo ay may anyong gaya ng batong safiro,+ na wangis ng isang trono.+ At sa ibabaw ng wangis ng trono ay may wangis ng isa na may anyong gaya ng makalupang tao sa ibabaw nito,+ sa dakong itaas.
9 “Patuloy akong nagmasid hanggang sa may inilagay na mga trono+ at ang Sinauna sa mga Araw+ ay umupo. Ang kaniyang pananamit ay puti na parang niyebe,+ at ang buhok ng kaniyang ulo ay gaya ng malinis na lana.+ Ang kaniyang trono ay mga liyab ng apoy;+ ang mga gulong nito ay nagniningas na apoy.+
11 At nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang isa na nakaupo roon.+ Mula sa harap niya ay tumakas ang lupa at ang langit,+ at walang dakong nasumpungan para sa kanila.