10 Alamin ninyo, kung gayon, na walang isa man sa salita ni Jehova ang mahuhulog sa lupa nang di-natutupad+ na sinalita ni Jehova laban sa sambahayan ni Ahab;+ at ginawa ni Jehova ang sinalita niya sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias.”+
11 Bukod diyan, pinabagsak ni Jehu ang lahat ng natira sa sambahayan ni Ahab sa Jezreel at ang lahat ng kaniyang bantog na tao+ at ang kaniyang mga kakilala at ang kaniyang mga saserdote,+ hanggang sa wala na siyang iniwang buháy sa kaniya.+