-
2 Hari 9:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 At ang bantay+ ay nakatayo sa ibabaw ng tore+ sa Jezreel,+ at nakita niya ang dumadaluyong na karamihan ng mga lalaki ni Jehu habang ito ay dumarating, at kaagad niyang sinabi: “May nakikita akong dumadaluyong na karamihan ng mga lalaki.” Sa gayon ay sinabi ni Jehoram: “Kumuha ka ng isang kabalyero at isugo mo siya upang salubungin sila, at sabihin niya, ‘May kapayapaan ba?’ ”+
-
-
2 Cronica 26:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Karagdagan pa, nagtayo siya ng mga tore+ sa ilang, at humukay ng maraming imbakang-tubig (sapagkat nagkaroon siya ng napakaraming alagang hayop), at gayundin sa Sepela+ at sa talampas. May mga magsasaka at mga tagapag-alaga ng ubasan sa mga bundok at sa Carmel, sapagkat maibigin siya sa agrikultura.
-