Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 30:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 sapagkat makikinig ka sa tinig ni Jehova na iyong Diyos upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga batas na nakasulat sa aklat na ito ng kautusan,+ sapagkat babalik ka kay Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa.+

  • 1 Samuel 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At sinabi ni Samuel sa buong sambahayan ng Israel: “Kung buong puso kayong manunumbalik kay Jehova,+ alisin ninyo ang mga banyagang diyos sa gitna ninyo+ at gayundin ang mga imahen ni Astoret,+ at ituon ninyo nang walang maliw ang inyong puso kay Jehova at siya lamang ang inyong paglingkuran,+ at ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”+

  • Jeremias 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Kung manunumbalik ka, O Israel,” ang sabi ni Jehova, “ay makapanunumbalik ka nga sa akin.+ At kung aalisin mo ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay nang dahil sa akin,+ kung magkagayon ay hindi ka yayaon bilang takas.

  • Joel 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hapakin ninyo ang inyong mga puso,+ at hindi ang inyong mga kasuutan;+ at manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, sapagkat siya ay magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at tiyak na ikalulungkot niya ang kapahamakan.+

  • Malakias 3:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Mula noong mga araw ng inyong mga ninuno ay nililihisan ninyo ang aking mga tuntunin at hindi ninyo tinutupad ang mga iyon.+ Manumbalik kayo sa akin, at manunumbalik ako sa inyo,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

      At sinabi ninyo: “Sa anong paraan kami manunumbalik?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share