18 At alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman;+ sa layuning tuparin ang kaniyang tipan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno, gaya ng sa araw na ito.+
12 Ang kayamanan+ at ang kaluwalhatian+ ay dahil sa iyo, at ikaw ay nagpupuno+ sa lahat ng bagay; at sa iyong kamay ay may kapangyarihan+ at kalakasan,+ at nasa iyong kamay ang kakayahang magpadakila+ at magbigay ng lakas sa lahat.+
9 Dahil dito ay sinabi ni Amazias+ sa lalaki ng tunay na Diyos: “Ngunit ano ang gagawin sa isang daang talento na ibinigay ko sa mga pulutong ng Israel?”+ Dito ay sinabi ng lalaki ng tunay na Diyos: “May kakayahan si Jehova na magbigay sa iyo ng mas marami pa kaysa rito.”+