Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 kung gayon ay gagawin ko naman sa inyo ang sumusunod, at bilang kaparusahan ay magpapasapit nga ako sa inyo ng kabagabagan na may tuberkulosis+ at nag-aapoy na lagnat, na magpapalabo ng mga mata+ at magpapalupaypay ng kaluluwa.+ At maghahasik nga kayo ng inyong binhi sa walang kabuluhan, sapagkat tiyak na lalamunin iyon ng inyong mga kaaway.+

  • Deuteronomio 28:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “At mangyayari nga na kung hindi ka makikinig sa tinig ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng maingat na pagsasagawa ng lahat ng kaniyang mga utos at ng kaniyang mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayon, ang lahat ng mga sumpang ito ay darating nga sa iyo at aabot sa iyo:+

  • Deuteronomio 30:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 sinasabi ko sa inyo ngayon na kayo ay talagang malilipol.+ Hindi ninyo mapahahaba ang inyong mga araw sa lupa na tatawirin mo sa Jordan upang paroonan at ariin.

  • Josue 23:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 alamin nga ninyo na hindi ipagpapatuloy ni Jehova na inyong Diyos ang pagtataboy sa mga bansang ito alang-alang sa inyo;+ at sa inyo ay magiging gaya sila ng bitag at gaya ng silo at gaya ng hagupit sa inyong mga tagiliran+ at gaya ng mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa malipol kayo mula sa mabuting lupang ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.+

  • Daniel 9:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At lahat niyaong nagmula sa Israel ay lumabag sa iyong kautusan, at nagkaroon ng paglihis dahil sa hindi pagsunod sa iyong tinig,+ anupat ibinuhos mo sa amin ang sumpa at ang ipinanatang sumpa+ na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos, sapagkat nagkasala kami laban sa Kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share