25 At patuloy na pinadakilang lubha+ ni Jehova si Solomon sa paningin ng buong Israel at binigyan niya ito ng gayong maharlikang dangal na hindi pa tinaglay ng sinumang hari na nauna sa kaniya sa Israel.+
9 At ako ay naging mas dakila at sumagana nang higit kaysa kaninumang nauna sa akin sa Jerusalem.+ Bukod diyan, ang aking sariling karunungan ay nanatiling akin.+