-
Exodo 20:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Isang altar na lupa+ ang gagawin mo para sa akin, at ihahain mo sa ibabaw niyaon ang iyong mga handog na sinusunog at ang iyong mga haing pansalu-salo, ang iyong kawan at ang iyong bakahan.+ Sa lahat ng dako na doon ko pangyayarihing maalaala ang aking pangalan ay paroroonan kita at pagpapalain nga kita.+
-
-
Deuteronomio 12:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At mangyayari nga na sa dakong+ pipiliin ni Jehova na inyong Diyos upang doon patahanin ang kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat niyaong iniuutos ko sa inyo, ang inyong mga handog na sinusunog+ at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasampung bahagi+ at ang abuloy+ ng inyong kamay at lahat ng pili mula sa inyong mga panatang+ handog na ipananata ninyo kay Jehova.
-