Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 33:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Turuan nila si Jacob ng iyong mga hudisyal na pasiya+

      At si Israel ng iyong kautusan.+

      Maghandog sila ng insenso sa harap ng mga butas ng iyong ilong+

      At ng isang buong handog sa ibabaw ng iyong altar.+

  • 2 Cronica 17:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At nagsimula silang magturo+ sa Juda, at taglay nila roon ang aklat ng kautusan+ ni Jehova; at patuloy silang lumilibot sa lahat ng lunsod ng Juda at nagtuturo sa mga tao.

  • Nehemias 8:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At si Nehemias,+ na siyang Tirsata,+ at si Ezra+ na saserdote, na tagakopya, at ang mga Levita na nagtuturo sa bayan ay nagsabi sa buong bayan: “Ang mismong araw na ito ay banal kay Jehova na inyong Diyos.+ Huwag kayong magdalamhati o tumangis man.”+ Sapagkat ang buong bayan ay tumatangis habang naririnig nila ang mga salita ng kautusan.+

  • Malakias 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sapagkat ang mga labi ng saserdote ang siyang dapat mag-ingat ng kaalaman, at ang kautusan ang dapat na hanapin ng bayan mula sa kaniyang bibig;+ sapagkat siya ang mensahero ni Jehova ng mga hukbo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share