-
Jeremias 25:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “ ‘At mangyayari nga na kapag naganap na ang pitumpung taon+ ay hihingi ako ng sulit laban sa hari ng Babilonya at laban sa bansang iyon,’+ ang sabi ni Jehova, ‘dahil sa kanilang kamalian, laban nga sa lupain ng mga Caldeo,+ at iyon ay gagawin kong mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda.+
-
-
Jeremias 29:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At hahayaan kong ako ay masumpungan ninyo,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At pipisanin ko ang inyong kalipunan ng mga bihag at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mula sa lahat ng mga dako kung saan ko kayo ipinanabog,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At ibabalik ko kayo sa dako na mula roon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon.’+
-
-
Jeremias 33:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 ang ingay ng pagbubunyi at ang ingay ng pagsasaya,+ ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig ng mga nagsasabi: “Pumuri kayo kay Jehova ng mga hukbo, sapagkat si Jehova ay mabuti;+ sapagkat hanggang sa panahong walang takda ang kaniyang maibiging-kabaitan!” ’+
“ ‘Magdadala sila ng handog na pasasalamat sa bahay ni Jehova,+ sapagkat ibabalik ko ang mga nabihag sa lupain gaya ng sa pasimula,’+ ang sabi ni Jehova.”
-