-
Ezra 3:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At nang ikalawang taon ng kanilang pagdating sa bahay ng tunay na Diyos sa Jerusalem, nang ikalawang buwan,+ si Zerubabel+ na anak ni Sealtiel+ at si Jesua+ na anak ni Jehozadak at ang iba pa nilang mga kapatid, ang mga saserdote at ang mga Levita, at ang lahat niyaong mga dumating sa Jerusalem mula sa pagkabihag+ ay nagsimula; at inilagay nila ngayon sa mga katungkulan ang mga Levita+ mula sa edad na dalawampung taon pataas upang mangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova.+
-
-
Hagai 1:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At si Zerubabel+ na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Jehozadak+ na mataas na saserdote, at ang lahat ng mga nalalabi sa bayan ay nagsimulang makinig sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos,+ at sa mga salita ni Hagai+ na propeta, ayon sa pagkakasugo sa kaniya ni Jehova na kanilang Diyos; at ang bayan ay nagsimulang matakot dahil kay Jehova.+
-
-
Hagai 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “ ‘Ngunit ngayon ay magpakalakas ka, O Zerubabel,’ ang sabi ni Jehova, ‘at magpakalakas ka,+ O Josue na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote.’
“ ‘At magpakalakas kayo, kayong buong bayan ng lupain,’ ang sabi ni Jehova, ‘at gumawa kayo.’+
“ ‘Sapagkat ako ay sumasainyo,’+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
-