18 Kaya nga, bigyang-pansin ninyo kung paano kayo nakikinig; sapagkat sa sinumang mayroon, higit pa ang ibibigay sa kaniya,+ ngunit sa sinumang wala, maging yaong inaakala niyang nasa kaniya ay kukunin sa kaniya.”+
14 At isang babae na nagngangalang Lydia, isang tindera ng purpura, na mula sa lunsod ng Tiatira+ at isang mananamba ng Diyos, ang nakikinig, at binuksang mabuti ni Jehova ang kaniyang puso+ upang magbigay-pansin sa mga bagay na sinasalita ni Pablo.
11 At higit na mararangal ang pag-iisip ng mga huling nabanggit kaysa roon sa mga nasa Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita nang may buong pananabik ng kaisipan, na maingat na sinusuri+ ang Kasulatan+ sa araw-araw kung totoo nga ang mga bagay na ito.+
2Iyan ang dahilan kung bakit natin kailangang magbigay ng higit kaysa sa karaniwang pansin sa mga bagay na narinig+ natin, upang hindi tayo kailanman maanod papalayo.+