-
Ezra 6:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 At idinaos nila ang kapistahan ng mga tinapay na walang pampaalsa+ nang pitong araw taglay ang pagsasaya; sapagkat pinangyari ni Jehova na sila ay magsaya, at ipinanumbalik+ niya ang puso ng hari ng Asirya sa kanila upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng tunay na Diyos, ang Diyos ng Israel.
-
-
Hagai 1:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At pinukaw ni Jehova ang espiritu+ ni Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at ang espiritu ni Josue+ na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, at ang espiritu ng lahat ng mga nalalabi sa bayan; at nagsimula silang pumasok at ginawa ang gawain sa bahay ni Jehova ng mga hukbo na kanilang Diyos.+
-