-
Esther 5:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Nang magkagayon ay sinabi sa kaniya ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat ng kaniyang mga kaibigan: “Magpagawa ka sa kanila ng isang tulos+ na limampung siko ang taas. At sa kinaumagahan+ ay sabihin mo sa hari na ibitin nila roon si Mardokeo.+ Pagkatapos ay pumasok kang kasama ng hari sa piging taglay ang kagalakan.” Kaya ang bagay na iyon ay naging waring mabuti+ kay Haman, at ipinagawa niya ang tulos.+
-
-
Esther 7:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Si Harbona,+ na isa sa mga opisyal ng korte+ sa harap ng hari, ay nagsabi ngayon: “Naroon din naman ang tulos+ na ginawa ni Haman para kay Mardokeo, na siyang nagsalita ng mabuti may kinalaman sa hari,+ nakatayo sa bahay ni Haman—limampung siko ang taas.” Sa gayon ay sinabi ng hari: “Ibitin ninyo siya roon.”+
-