9 Kung sa hari ay wari ngang mabuti, masulat nawa na puksain sila; at sampung libong+ talento na pilak ang ibabayad ko sa mga kamay ng mga magsasagawa ng gawain+ sa pamamagitan ng pagdadala nito sa ingatang-yaman ng hari.”
7 At sinabi ni Mardokeo sa kaniya ang tungkol sa lahat ng bagay na nangyari sa kaniya+ at ang hustong halaga ng salapi na sinabi ni Haman na ibabayad sa ingatang-yaman ng hari+ laban sa mga Judio, upang puksain sila.+
8 At isang kopya+ ng sulat ng kautusan na ibinigay sa Susan+ upang lipulin sila ang ibinigay niya rito upang ipakita kay Esther at sabihin sa kaniya at utusan siya+ na pumaroon sa hari at mamanhik dito+ at tuwirang humiling sa harap nito para sa kaniyang bayan.+