-
Esther 3:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 At ipinadala ang mga liham sa pamamagitan ng mga sugo sa lahat ng mga nasasakupang distrito ng hari,+ na lipulin, patayin at puksain ang lahat ng mga Judio, kabataang lalaki at gayundin ang matandang lalaki, ang maliliit na bata at ang mga babae, sa isang araw,+ sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na siyang buwan ng Adar,+ at mandambong ng samsam sa kanila.+
-
-
Esther 9:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 At nang ikalabindalawang buwan, na siyang buwan ng Adar,+ noong ikalabintatlong araw nito, nang dumating ang panahon upang isagawa ang salita ng hari at ang kaniyang kautusan,+ nang araw na hinihintay ng mga kaaway ng mga Judio upang manaig sa kanila, ay nabaligtad pa man din ang mga pangyayari, anupat ang mga Judio ang nanaig doon sa mga napopoot sa kanila.+
-