-
Esther 3:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Pagkatapos ay tinawag ang mga kalihim+ ng hari nang unang buwan noong ikalabintatlong araw nito, at ang pagsulat+ ay ginawa ayon sa lahat ng iniutos ni Haman sa mga satrapa ng hari at sa mga gobernador na namamahala sa iba’t ibang mga nasasakupang distrito,+ at sa mga prinsipe ng iba’t ibang mga bayan, ng bawat nasasakupang distrito, ayon sa sarili nitong istilo ng pagsulat,+ at sa bawat bayan ayon sa sarili nitong wika; sa pangalan+ ni Haring Ahasuero ay isinulat ito at tinatakan ito ng singsing na panlagda ng hari.+
-
-
Esther 8:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Siya ngayon ay nagsabi: “Kung sa hari ay wari ngang mabuti, at kung nakasumpong ako ng lingap+ sa harap niya at ang bagay ay wasto sa harap ng hari at ako ay mabuti sa kaniyang paningin, isulat nawa na mapawalang-bisa ang mga nasusulat na dokumento,+ ang pakana ni Haman na anak ni Hamedata na Agagita,+ na isinulat niya upang puksain ang mga Judio+ na nasa lahat ng mga nasasakupang distrito ng hari.+
-