5“‘At kung ang isang kaluluwa+ ay magkasala sapagkat nakarinig siya ng hayagang pagsumpa+ at siya ay saksi o nakita niya iyon o nalaman niya ang tungkol doon, kung hindi niya iyon ipaaalam,+ mananagot nga siya dahil sa kaniyang kamalian.
2 Nang dakong huli ay nasumpungang nakasulat yaong iniulat+ ni Mardokeo may kinalaman kina Bigtana at Teres, dalawang opisyal ng korte+ ng hari, mga bantay-pinto, na nagtangkang pagbuhatan ng kamay si Haring Ahasuero.
24 Siyang kasamahan ng magnanakaw ay napopoot sa kaniyang sariling kaluluwa.+ Makarinig man siya ng panatang may kinalaman sa isang sumpa, ngunit wala siyang anumang ipinaaalam.+
7 “Tungkol naman sa iyo, O anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sambahayan ng Israel,+ at mula sa aking bibig ay diringgin mo ang salita at magbibigay ka sa kanila ng babala mula sa akin.+