25 Malayong mangyari sa iyo na ikaw ay gagawi sa ganitong paraan upang patayin ang taong matuwid na kasama ng balakyot anupat kailangang mangyari sa taong matuwid ang gaya ng sa balakyot!+ Malayong mangyari sa iyo.+ Hindi ba yaong tama ang gagawin ng Hukom ng buong lupa?”+
8 At bakit hindi sabihin, gaya ng may-kabulaanang ipinaparatang+ sa atin at gaya ng ipinahahayag ng ilang tao na sinasabi raw natin: “Gawin natin ang masasamang bagay upang dumating ang mabubuting bagay”?+ Ang hatol+ laban sa mga taong iyon ay kasuwato ng katarungan.+