26 O anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng telang-sako+ at gumumon ka sa abo.+ Ang iyong pagdadalamhati ay gawin mong gaya niyaong para sa kaisa-isang anak, ang paghagulhol na may kapaitan;+ sapagkat biglang darating sa atin ang mananamsam.+
30 At tungkol sa iyo ay tiyak na iparirinig nila ang kanilang tinig at hihiyaw nang may kapaitan.+ At maglalagay sila ng alabok sa kanilang mga ulo.+ Sa abo ay gugumon sila.+
6 Nang ang salita ay umabot sa hari ng Nineve,+ siya ay tumindig mula sa kaniyang trono at naghubad ng kaniyang opisyal na kasuutan at nagdamit ng telang-sako at umupo sa abo.+
8 At magdamit sila ng telang-sako, ang tao at ang alagang hayop; at tumawag sila sa Diyos nang malakas at manumbalik,+ ang bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad at mula sa karahasan na nasa kanilang mga kamay.