Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 15:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi naman ni Samuel: “Mayroon bang gayon kalaking kaluguran si Jehova sa mga handog na sinusunog+ at mga hain na gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Jehova? Narito! Ang pagsunod+ ay mas mabuti kaysa sa hain,+ ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga barakong tupa;

  • Awit 51:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sapagkat hindi ka nalulugod sa hain—kung gayon ay ibinigay ko sana;+

      Hindi ka nasisiyahan sa buong handog na sinusunog.+

  • Isaias 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Ano ang pakinabang ko sa karamihan ng inyong mga hain?” sabi ni Jehova. “Tama na sa akin ang mga buong handog na sinusunog+ na mga barakong tupa+ at ang taba ng mga patabaing hayop;+ at sa dugo+ ng mga guyang toro at mga lalaking kordero at mga kambing na lalaki+ ay hindi ako nalulugod.+

  • Oseas 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat sa maibiging-kabaitan ako nalulugod,+ at hindi sa hain;+ at sa kaalaman sa Diyos sa halip na sa mga buong handog na sinusunog.+

  • Mateo 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Gayunman, kung naunawaan ninyo ang kahulugan nito, ‘Ang ibig ko ay awa,+ at hindi hain,’+ hindi sana ninyo pinatawan ng hatol ang mga walang-sala.

  • Hebreo 10:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Kaya nga nang pumarito siya sa sanlibutan ay sinabi niya: “ ‘Ang hain at handog ay hindi mo ninais,+ ngunit naghanda ka ng katawan para sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share