15 At maglalagay ako+ ng alitan+ sa pagitan mo+ at ng babae+ at sa pagitan ng iyong binhi+ at ng kaniyang binhi.+ Siya+ ang susugat sa iyo+ sa ulo+ at ikaw+ ang susugat sa kaniya+ sa sakong.”+
15 Isang propeta mula sa gitna mo, mula sa iyong mga kapatid, na tulad ko, ang ibabangon ni Jehova na iyong Diyos para sa iyo—sa kaniya kayo dapat makinig+—
44 Sinabi niya ngayon sa kanila: “Ito ang aking mga salita na sinalita ko sa inyo noong ako ay kasama pa ninyo,+ na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga Propeta+ at Mga Awit+ tungkol sa akin.”
43 Tungkol sa kaniya ay nagpapatotoo ang lahat ng mga propeta,+ upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”+
3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo, kasama ng mga unang bagay, yaong tinanggap ko rin,+ na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan;+