5 Nang maglaon ay sinabi ni Gad+ na propeta kay David: “Huwag kang manatili sa pagtahan sa dakong mahirap marating. Umalis ka, at pumasok ka sa lupain ng Juda.”+ Sa gayon ay umalis si David at pumasok sa kagubatan ng Heret.
14 At si David ay nanahanan sa ilang sa mga dakong mahirap puntahan, at patuloy siyang nanahanan sa bulubunduking pook sa ilang ng Zip.+ At lagi siyang pinaghahanap ni Saul,+ at hindi siya ibinigay ng Diyos sa kaniyang kamay.+