Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Pinasimulan nilang pukawin siya sa paninibugho+ sa pamamagitan ng kakaibang mga diyos;+

      Sa pamamagitan ng mga karima-rimarim na bagay ay patuloy nila siyang ginalit.+

  • Hukom 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa gayon ay iniwan nila si Jehova na Diyos ng kanilang mga ama na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto+ at sumunod sa ibang mga diyos mula sa mga diyos ng mga bayan na nasa buong palibot nila+ at nagsimula silang yumukod sa mga iyon, anupat ginalit nila si Jehova.+

  • 1 Samuel 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At sinabi ni Samuel sa buong sambahayan ng Israel: “Kung buong puso kayong manunumbalik kay Jehova,+ alisin ninyo ang mga banyagang diyos sa gitna ninyo+ at gayundin ang mga imahen ni Astoret,+ at ituon ninyo nang walang maliw ang inyong puso kay Jehova at siya lamang ang inyong paglingkuran,+ at ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.”+

  • 1 Hari 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Noon nagtayo si Solomon ng isang mataas na dako+ para kay Kemos+ na kasuklam-suklam+ na bagay ng Moab sa bundok+ na nasa tapat+ ng Jerusalem, at para kay Molec na kasuklam-suklam na bagay ng mga anak ni Ammon.

  • 1 Hari 12:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Kaya ang hari ay nakipagsanggunian+ at gumawa ng dalawang ginintuang guya+ at nagsabi sa bayan: “Napakahirap para sa inyo na umahon patungong Jerusalem. Narito ang iyong Diyos,+ O Israel, na nag-ahon sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+

  • 2 Hari 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Karagdagan pa, inilagay niya ang inukit na imahen+ ng sagradong poste na ginawa niya sa bahay+ na tungkol doon ay sinabi ni Jehova kay David at kay Solomon na kaniyang anak: “Sa bahay na ito at sa Jerusalem, na siya kong pinili mula sa lahat ng tribo ng Israel, ay ilalagay ko ang aking pangalan hanggang sa panahong walang takda.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share