Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 29:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sa ibabaw ng delubyo ay umupo si Jehova;+

      At si Jehova ay nakaupo bilang hari hanggang sa panahong walang takda.+

  • Awit 145:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang iyong paghahari ay isang paghahari sa lahat ng panahong walang takda,+

      At ang iyong pamumuno ay sa lahat ng sunud-sunod na salinlahi.+

  • Jeremias 10:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ngunit si Jehova ay totoo ngang Diyos.+ Siya ang Diyos na buháy+ at ang Hari hanggang sa panahong walang takda.+ Dahil sa kaniyang pagkagalit ay uuga ang lupa,+ at walang mga bansa na makatatagal sa ilalim ng kaniyang pagtuligsa.+

  • Daniel 4:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 “At sa pagwawakas ng mga araw+ ako, si Nabucodonosor, ay nagtingala ng aking mga mata sa langit,+ at ang aking unawa ay nagsimulang manumbalik sa akin; at pinagpala ko ang Kataas-taasan,+ at ang Isa na buháy hanggang sa panahong walang takda ay pinuri ko at niluwalhati,+ sapagkat ang kaniyang pamamahala ay isang pamamahala hanggang sa panahong walang takda at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t salinlahi.+

  • 1 Timoteo 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngayon sa Haring walang hanggan,+ walang kasiraan,+ di-nakikita,+ ang tanging Diyos,+ ay maukol nawa ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share