Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa,+

      Sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan.+

      Isang Diyos ng katapatan,+ na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan;+

      Matuwid at matapat siya.+

  • Ezra 9:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 O Jehova na Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid,+ sapagkat naiwan kami bilang isang takas na bayan gaya ng sa araw na ito. Narito kami sa harap mo sa aming pagkakasala,+ sapagkat hindi nga maaaring tumayo sa harap mo dahil dito.”+

  • Nehemias 9:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 At ikaw ay matuwid+ kung tungkol sa lahat ng sumapit sa amin, sapagkat ikaw ay kumilos nang may katapatan,+ ngunit kami ang siyang gumawa nang may kabalakyutan.+

  • Jeremias 12:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ikaw ay matuwid,+ O Jehova, kapag inihaharap ko sa iyo ang aking karaingan, kapag nakikipag-usap nga ako sa iyo tungkol sa mga bagay na ukol sa kahatulan. Bakit kaya ang lakad ng mga balakyot ang siyang nagtatagumpay,+ at silang lahat na gumagawa ng kataksilan ang siya pang hindi nababahala?

  • Daniel 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa iyo, O Jehova, ay nauukol ang katuwiran, ngunit ang sa amin ay kahihiyan ng mukha gaya ng sa araw na ito,+ sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem at sa lahat niyaong nagmula sa Israel, yaong malalapit at yaong malalayo sa lahat ng mga lupain na doon ay ipinanabog mo sila dahil sa kanilang kawalang-katapatan na ginawa nila laban sa iyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share