13 Kaya sinabi ni David kay Gad: “Lubha itong nakapipighati sa akin. Pakisuyo, mahulog nawa ako sa kamay ni Jehova,+ sapagkat napakarami ng kaniyang kaawaan;+ ngunit sa kamay ng tao ay huwag nawa akong mahulog.”+
7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+
11 Narito! Ipinahahayag nating maligaya yaong mga nakapagbata.+ Narinig ninyo ang tungkol sa pagbabata ni Job+ at nakita ang kinalabasan na ibinigay ni Jehova,+ na si Jehova ay napakamagiliw sa pagmamahal at maawain.+