9 “‘Kung may sinumang tao na sumusumpa sa kaniyang ama at sa kaniyang ina,+ siya ay papatayin nang walang pagsala.+ Ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ang isinumpa niya. Ang kaniyang sariling dugo ay mapapataw sa kaniya.+
17 Ang matang nang-aalipusta sa ama at humahamak sa pagkamasunurin sa ina+—tutukain iyon ng mga uwak sa agusang libis at kakainin iyon ng mga anak ng agila.
6 Sapagkat hinahamak ng anak na lalaki ang ama; ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina;+ ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae;+ ang mga kaaway ng isang tao ay ang mga tao sa kaniyang sambahayan.+
2 Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sa sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang,+ mga walang utang-na-loob, mga di-matapat,+