Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “‘Huwag kayong gagawa ng kawalang-katarungan sa paghatol. Huwag mong pakikitunguhan nang may pagtatangi ang maralita,+ at huwag mong kikilingan ang pagkatao ng isang dakila.+ Sa katarungan ay hahatulan mo ang iyong kasamahan.

  • Deuteronomio 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Huwag kayong magtatangi sa paghatol.+ Pakikinggan ninyo ang maliit na gaya ng malaki.+ Huwag kayong matatakot dahil sa tao,+ sapagkat ang kahatulan ay nauukol sa Diyos;+ at ang usapin na lubhang mahirap para sa inyo ay dadalhin ninyo sa akin, at pakikinggan ko iyon.’+

  • Deuteronomio 16:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag mong babaluktutin ang kahatulan.+ Huwag kang magtatangi+ o tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag sa mga mata ng marurunong+ at pumipilipit sa mga salita ng mga matuwid.

  • 2 Cronica 19:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ngayon ay mapasainyo nawa ang panghihilakbot+ kay Jehova.+ Mag-ingat kayo at kumilos,+ sapagkat kay Jehova na ating Diyos ay walang kalikuan+ o pagtatangi+ o pagtanggap ng suhol.”+

  • 1 Timoteo 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 May-kataimtiman kitang inuutusan sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus+ at ng piniling mga anghel na tuparin ang mga bagay na ito nang hindi patiunang humahatol, na walang anumang ginagawang pagkiling.+

  • Santiago 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 kayo ay may pagtatangi-tangi sa gitna ninyo+ at kayo ay naging mga hukom+ na naggagawad ng mga balakyot na pasiya,+ hindi ba?

  • 1 Pedro 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Karagdagan pa, kung tumatawag kayo sa Ama na humahatol nang walang pagtatangi+ ayon sa gawa ng bawat isa, gumawi kayo nang may takot+ sa panahon ng inyong paninirahan bilang dayuhan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share