23 Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag ipagyabang ng taong marunong ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang karunungan,+ at huwag ipagyabang ng makapangyarihang lalaki ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kalakasan.+ Huwag ipagyabang ng taong mayaman ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kayamanan.”+
12 Sapagkat hindi kami nangangahas na iuri ang aming sarili kasama ng ilan o ihambing ang aming sarili sa ilan na nagrerekomenda ng kanilang sarili.+ Tunay ngang sila sa pagsukat ng kanilang sarili ayon sa kanilang sarili at paghahambing ng kanilang sarili sa kanilang sarili ay walang unawa.+
11 Ako ay naging di-makatuwiran. Pinilit ninyo ako,+ sapagkat dapat sana ay inirekomenda ninyo ako. Sapagkat hindi ako naging nakabababa sa inyong ubod-galing+ na mga apostol sa isa mang bagay, bagaman ako ay walang kabuluhan.+