Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 11:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At lahat ng mga lingkod mong ito ay talagang bababa sa akin at magpapatirapa sa akin,+ na sinasabi, ‘Yumaon ka, ikaw at ang buong bayan na sumusunod sa iyong mga hakbang.’ At pagkatapos niyaon ay aalis ako.” Sa gayon ay umalis siya mula kay Paraon na nag-iinit sa galit.

  • 1 Cronica 12:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At naroon ang iba sa mga Gadita na bumukod at pumanig kay David sa dakong mahirap puntahan sa ilang,+ magigiting at makapangyarihang mga lalaki, mga lalaking panghukbo para sa digmaan, na laging may nakahandang malaking kalasag at sibat,+ na ang mga mukha ay mga mukha ng mga leon,+ at sila ay tulad ng mga gasela sa ibabaw ng mga bundok sa bilis.+

  • Daniel 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sina Sadrac, Mesac at Abednego ay sumagot, at sinabi nila sa hari: “O Nabucodonosor, hindi namin kailangang sumagot ng isa mang salita sa iyo may kinalaman dito.+

  • Gawa 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nang makita nga nila ang pagkatahasan nina Pedro at Juan, at mapag-unawa na sila ay mga taong walang pinag-aralan at pangkaraniwan,+ sila ay namangha. At nakilala nila tungkol sa mga ito na dati silang kasama ni Jesus;+

  • Gawa 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sa gayon ay gumugol sila ng mahabang panahon sa pagsasalita nang may katapangan sa pamamagitan ng awtoridad ni Jehova, na nagpatotoo sa salita ng kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan sa pamamagitan ng pagkakaloob na maganap ang mga tanda at mga palatandaan sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.+

  • 1 Tesalonica 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 kundi kung paanong, pagkatapos na maghirap muna kami+ at mapakitunguhan nang walang pakundangan+ (gaya ng alam ninyo) sa Filipos,+ nag-ipon kami ng katapangan sa pamamagitan ng ating Diyos upang salitain+ sa inyo ang mabuting balita ng Diyos nang may labis na pakikipagpunyagi.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share