Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 7:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayunpaman, ang mga mahikong saserdote ng Ehipto ay gumawa ng gayunding bagay sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na sining;+ anupat ang puso ni Paraon ay patuloy na naging mapagmatigas,+ at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinalita ni Jehova.+

  • Nehemias 9:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Bagaman nagpapatotoo+ ka laban sa kanila upang ibalik sila sa iyong kautusan,+ sila ay kumilos pa man din nang may kapangahasan+ at hindi nakinig sa iyong mga utos; at sila ay nagkasala+ laban sa iyong mga hudisyal na pasiya,+ na kung gagawin ng isang tao ay mabubuhay rin siya sa pamamagitan ng mga iyon.+ At patuloy silang naghaharap ng sutil na balikat,+ at ang leeg nila ay kanilang pinatigas,+ at hindi sila nakinig.+

  • Job 9:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Siya ay marunong sa puso at malakas sa kapangyarihan.+

      Sino ang makapagpapakita ng pagkasutil sa kaniya at makaaalpas nang walang pinsala?+

  • Kawikaan 29:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ang taong paulit-ulit na sinasaway+ ngunit nagpapatigas ng kaniyang leeg+ ay biglang mababali, at wala nang kagalingan.+

  • Isaias 30:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 “Sa aba ng mga anak na sutil,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga handang magsagawa ng panukala, ngunit hindi yaong mula sa akin;+ at magbuhos ng handog na inumin, ngunit hindi taglay ang aking espiritu, upang dagdagan ng kasalanan ang kasalanan;+

  • Jeremias 16:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At kayo ay gumawi nang mas masama kaysa sa inyong mga ama sa inyong ginagawa,+ at narito, lumalakad kayo, bawat isa ay ayon sa pagkasutil+ ng kaniyang masamang puso sa hindi pagsunod sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share