8 At nangyari, samantalang lumalawig ang kaniyang mga araw roon, si Abimelec, na hari ng mga Filisteo, ay tumingin mula sa bintana at tumanaw, at naroon si Isaac na nagpapakasayang kasama ni Rebeka na kaniyang asawa.+
20 At naglingkod si Jacob nang pitong taon para kay Raquel,+ ngunit sa kaniyang paningin ay naging tulad iyon ng ilang araw lamang dahil sa pag-ibig niya rito.+
6 “Ilagay mo ako bilang tatak sa iyong puso,+ bilang tatak sa iyong bisig; sapagkat ang pag-ibig ay sinlakas ng kamatayan,+ ang paghingi ng bukod-tanging debosyon+ ay singhigpit ng Sheol. Ang mga lagablab nito ay mga lagablab ng apoy, ang liyab ni Jah.+
25 Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae,+ kung paanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito,+