Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 33:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ngunit sinabi niya sa kaniya: “Batid ng aking panginoon na ang mga bata ay maseselan at mga tupa at mga baka na nagpapasuso ang pinangangasiwaan ko,+ at kung labis nilang pagmamadaliin ang mga iyon sa loob ng isang araw, tiyak na mamamatay nga ang buong kawan.+

  • Exodo 23:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Anim na araw mong gagawin ang iyong gawain;+ ngunit sa ikapitong araw ay hihinto ka, upang ang iyong toro at ang iyong asno ay makapagpahinga at ang anak ng iyong aliping babae at ang naninirahang dayuhan ay maginhawahan.+

  • Deuteronomio 22:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Huwag mong makikitang nabuwal sa daan ang asno ng iyong kapatid o ang kaniyang toro at sasadyain mong iwasan ang mga iyon. Dapat mo siyang tulungang ibangon ang mga iyon.+

  • Deuteronomio 22:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “Huwag kang mag-aararo na isang toro at isang asno ang magkasama.+

  • Deuteronomio 25:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Huwag mong bubusalan ang toro habang ito ay gumigiik.+

  • Jonas 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At, sa ganang akin, hindi ba ako dapat manghinayang sa Nineve na dakilang lunsod,+ kung saan may mahigit sa isang daan at dalawampung libong tao na hindi man lamang nakakakilala ng pagkakaiba ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, bukod pa sa maraming alagang hayop?”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share