-
1 Hari 12:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At siya ay nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga kabataang lalaki,+ na nagsasabi: “Ang aking ama, sa ganang kaniya, ay nagpabigat ng inyong pamatok, ngunit ako, sa ganang akin, ay magdaragdag sa inyong pamatok. Ang aking ama, sa ganang kaniya, ay nagparusa sa inyo sa pamamagitan ng mga hampas, ngunit ako naman ay magpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng mga hagupit.”+
-
-
1 Hari 12:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, ang bayan nga ay tumugon sa hari, na nagsasabi: “Anong bahagi mayroon kami kay David?+ At walang mana sa anak ni Jesse. Sa inyu-inyong mga diyos,+ O Israel. Ngayon ay tingnan mo ang iyong sariling sambahayan, O David!”+ Sa gayon ay nagsimulang yumaon ang Israel patungo sa mga tolda nila.
-