41 Gayunman, si Esau ay nagkimkim ng matinding poot kay Jacob dahil sa pagpapala na ipinagpala rito ng kaniyang ama,+ at sinasabi ni Esau sa kaniyang puso:+ “Ang mga araw ng yugto ng pagdadalamhati para sa aking ama ay papalapit na.+ Pagkatapos niyaon ay papatayin ko si Jacob na aking kapatid.”+
22 At si Absalom ay hindi nagsalita kay Amnon ng masama man o mabuti; sapagkat kinapootan+ ni Absalom si Amnon sa dahilang hiniya nito si Tamar na kaniyang kapatid.
23 Sa gayon ay sumumpa si Haring Solomon sa pamamagitan ni Jehova, na nagsasabi: “Gayon nawa ang gawin ng Diyos sa akin, at gayon nawa ang idagdag niya roon,+ kung hindi nga laban sa kaniyang kaluluwa na sinalita ni Adonias ang bagay na ito.+