22 At magsusugo ako sa inyo ng mababangis na hayop sa parang,+ at tiyak na uulilahin nila kayo sa mga anak+ at lilipulin ang inyong mga alagang hayop at pakakauntiin ang bilang ninyo, at talagang matitiwangwang ang inyong mga daan.+
27 At tiyak na pangangalatin kayo ni Jehova sa gitna ng mga bayan,+ at maiiwan nga kayo na may kakaunting+ bilang sa gitna ng mga bansa na pagtatabuyan sa inyo ni Jehova.
62 At kayo nga ay maiiwang kaunting-kaunti ang bilang,+ bagaman kayo ay naging gaya ng mga bituin sa langit dahil sa dami,+ sapagkat hindi ka nakinig sa tinig ni Jehova na iyong Diyos.
22 Sapagkat bagaman ang iyong bayan, O Israel, ay maging gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat,+ isang nalabi lamang mula sa kanila ang babalik.+ Isang paglipol+ na naipasiya ang daragsa ayon sa katuwiran,+