9 Malibang si Jehova ng mga hukbo mismo ang nag-iwan sa atin ng iilang nakaligtas,+ naging gaya na sana tayo ng Sodoma, nakahalintulad na sana tayo ng Gomorra.+
5 At mangyayari nga na kapag tinitipon ng mang-aani ang nakatayong halamang butil at inaani ng kaniyang bisig ang mga uhay ng butil,+ siya ay magiging gaya nga ng isang naghihimalay ng mga uhay ng butil sa mababang kapatagan ng Repaim.+
9 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Walang pagsalang hihimalayin nila ang nalabi ng Israel na parang isang punong ubas.+ Ibalik mo ang iyong kamay na gaya niyaong namimitas ng ubas sa mga pangkuyapit ng baging.”
8 “ ‘ “At kapag nangyari iyon ay hahayaan kong mapasainyo bilang nalabi yaong mga makatatakas mula sa tabak sa gitna ng mga bansa, kapag nangalat kayo sa mga lupain.+
7Sa aba ko,+ sapagkat ako ay naging gaya ng mga tinipong bungang pantag-araw, gaya ng himalay ng pamimitas ng ubas!+ Walang kumpol ng ubas na makakain, walang unang igos, na nanasain ng aking kaluluwa!+